3 bangkay ng lalaki natagpuan sa Kyusi

NATAGPUAN ang tatlong bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na pinaniniwalang biktima ng summary execution sa Quezon City kaninang madaling-araw.

Inilarawan ni SPO1 Jun Mortel desk officer ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang mga biktima na nasa 40 hanggang 45-anyos, katamtaman ang pangangatawan, kayumanggi ang balat at nakasuot ng itim na t-shirt at maong pants at pawang nakasilid sa tig-iisang garbage plastic bag.

Ayon sa ulat ng QCPD-CIDU, natagpuan ang bangkay ng mga biktima dakong 2:45 ng madaling-araw kanina sa kahabaan ng Mindanao Avenue kanto Road 8, Bgy. Bagong Pag-asa, QC.

Sinabi sa ulat na isang nangangalakal ng basura na nakilalang si Reynaldo Orquiza ang nakatagpo sa mga bangkay ng biktima habang nangangalakal sa naturang lugar.

Habang naghahanap ng mga kalakal na basura si Orquiza ay nakita niya ang tatlong garbage plastic at nang buksan ay nakita niya ang mga bangkay.

Hinihinala naman ni QCPD-CIDU chief,chief inspector Rodel Marcelo na maaaring sa ibang lugar pinatay ang mga biktima at sa lugar lamang na yon itinapon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply