3 bayan sa Negros Occidental lubog sa baha

TATLONG bayan na sa Negros Occidental ang lubog sa baha dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan, habang ilang kabahayan na rin ang nasira at maraming residente ang apektado.

Ang mga bayan na hindi na halos madaanan ay ang Binalbagan, Isabela at Moises Padila.

Batay sa record ng Provincial Disaster Management Program (PDMP) ng Negros Occidental, umabot sa 300 pamilya na rin ang binaha o katumbas ng 1,200 na mga indibidwal sa Brgy. San Jose Marina, Binalbagan.

Sa Isabela ay 31 pamilya o 122 na mga indibidwal ang binaha at nasa evacuation center ngayon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply