3 cellphones posibleng susi sa Tacurong car bombing

POSIBLENG magsilbing susi sa pagresolba sa Tacurong car bomb explosion ang tatlong cellphones na nakuha sa pag iingat ng suspek sa car bombing incident sa lungsod ng Tacurong nitong nakaraang Lunes, Agosto 15.

Ayon kay Police Region 12 Director Benjarde Mantele, narekober ang nasabing communication equipment sa pag-iingat ni Datu Karim Masdal, residente ng Brgy. Macasampin, Guindulungan, Maguindanao na itinuturong siyang bumaba sa Kia Pride na ginamit sa car bomb .

Ayon kay Mantele, inaalam na ngayon ang mga mensahe at nakarehistrong mga numero mula sa tatlong cellphone ng suspek.

Posible rin aniyang malaman ang mga na-delete na mensahe nito dahil sa mga makabagong teknolohiya at pamamaraan.

Naniniwala rin ang opisyal na makapagbibigay linaw sa kanilang imbestigasyon ang artist sketch ng iba pang mga suspek.

Maliban kay Datu Karim Masdal at Jay R. Reyes na suspek sa car bombing na ikinasawi ng dalawang katao at pagkasugat ng anim na iba, isa pang suspek ngayon ang pinaghahanap ng mga awtoridad. Verlin Ruiz

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply