3-in-1 footrace Team Reebok Run

LIBU-LIBONG pares ng sapatos ang papadyak sa paligid ng Cultural Center of the Philippines (CCP) sa Pasay City bukas ng umaga, Agosto 6.

Ang 3-in-1 footrace, na may titulong Team Reebok Run ay tatampukan ng 10-kilometrong distansya, na may kasamang mas maikling lima at tatlong kilometrong ruta.

Ayon kay race directoral Alcar ng Without Limits, ay mabebenipisyuhan sa hagarang ito ang Visayan Forum, Lifeline Foundation at ang JeepneED sa mga pondong matitipon sa kaganapang ito.

Layon ng Visayan Forum, na makaalalay sa mga biktima ng human trafficking, oppressed at victim-minded na indibidwal naman ang tulad ng Lifeline Foundation, samantalang ang JeepneED ay isang green mobile science lab para sa kulang sa kalinga ng komunidad.

Tulad rin ng mga tagapamahala, na makabuo ng pagkakaibigan at relasyong makatulong sa mga nangangailangang indibidwal, habang nagkakaroon ng kasiyahan.

Pagkatawid ng meta ng mga kalahok, ay magkakaroon ng Latin-inspired na Zamba Dance upang maging malusog at masaya.

Sa iba pang impormasyon upang makasali o makalahok ay makipagtalastasan kina event organizer Ria de Casa-Kuan (02-399-9959), Maane dela Cruz (0916-5523-122), at Alcar (0915-8947-693).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply