3 miyembro ng NPA arestado

TATLONG kasapi ng New People’s Army (NPA) ang nahuli ng militar sa lalawigan ng Negros Occidental, sa ulat ng military kahapon.

Ayon kay Army Lt. Col. Isabelo Delos Reyes, spokesman ng 303rd Infantry Brigade ng Philippine Army, naaresto ang tatlo matapos ang serye ng sagupaan na naganap sa lalawigan.

Sa ulat, kinilala ni Delos Reyes ang mga nahuli na sina Antonio Damalerio, 56; Hernani Macatang, 25, at Melvin Macatang, 56, pawang residente ng Barangay Bandila, Toboso, Negros Occidental at kasapi ng Northern Negros Front ng NPA.

Narekober mula sa mga ito ang mga bala ng M16 at M14 armalite rifle, isang shotgun at mga subersibong dokumento na nagpapatunay na sila ay kasapi ng rebeldeng hukbo.

Kasalukuyan na ngayong nakapiit sa Toboso Police Station ang tatlo matapos itinurnover ng militar ang kustodiya at responsibilidad sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

Sinasabing inamin ng mga ito na matagal na silang kasapi ng kilusan.

Nabatid na tatlong serye ng sagupaan ang nangyari sa bayan ng Toboso at Escalante City noong nakaraang araw kung saan isang pulis ang nasugatan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply