3 opisyal ng Comelec sinuspinde

TATLONG opisyal ng Commission on Election (Comelec) na umano’y sangkot sa ballot secrecy folder scam na pinatawan ng suspension order ng Ombudsman.

Ito ang kinumpirma ni Comelec Chairman Sixto Brillantes kung saan ang tatlo na nauna nang pinatawan ng anim na buwang preventive suspension ay sina Ma. Leah Alarkon, Francis Abaya at Antonio Santella na mga dating miyembro ng Bids and Awards Committee ng Comelec.

Ipinataw na parusa ng Ombudsman ang anim na buwang suspensyon na walang sahod laban sa tatlo matapos mapatunayang guilty ang mga ito sa kasong simple neglect of duty, simple misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Naabsuwelto naman sa kaso ang iba pang respondent na sina  Norina Tangaro-Casingal, Martin Niedo at Comelec Executive Director Jose Tolentino, Jr. dahil sa kawalan umano ng sapat na ebidensya para madiin ang mga ito sa reklamo.

Sa loob ng limang araw ay kailangan umanong ipatupad ng Comelec ang nasabing kautusan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply