3 Pinoys na nasaktan sa riot sa London, babayaran

MAKAKATANGGAP ng kompensasyon sa British government ang tatlong Filipino na nadamay sa riot sa London.

Ito ang sinabi ni British Ambassador to the Philippines Stephen Lillie na sa ilalim ng kanilang batas na Riot Damages Act dahil may karapatan umano ang sinuman na humingi ng kompensasyon para sa natamong “injury, damage or loss” dahil sa kaguluhan.

Una nang inihayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Albert del Rosario na tatlong mga Pinoy ang nadamay sa pagwawala ng mga kabataan sa United Kingdom, kung saan isa umano rito ay ninakawan ng sasakyan habang ang isang biktima ay nasira ang kaniyang tindahan.

Sinabi pa ng ambahador na maging siya ay nagulat sa nangyayari sa kaniyang bansa at kaniya rin umanong kinokondina ang ginawang pag-atake ng mga suspek sa tatlong mga overseas Filipino workers.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply