3 sa 4 sundalong sangkot sa torture pinakakasuhan

MAY sapat na batayan upang sampahan ng kasong kriminal ang tatlo sa apat na miyembro ng Basilan Special Operation Task Force kaugnay sa pangto-torture sa isa umanong miyembro ng Abu Sayyaf.

Ito, ayon kay AFP Spokesman, Commodore Miguel Rodriguez, ay batay sa imbestigasyon ng binuong investigating group ng AFP hinggil sa umano’y pagpapahirap ng mga sundalo sa sinasabing bandido na inaresto sa Basilan noong Hulyo 23.

Kabilang sa pinakakasuhan ng paglabag sa Anti-torture law sina Capt. Sherwin Guidangen, Sgt George Awing at Staff Sgt Elmer Magdaraog.

Wala naman anyang nakitang sapat na ebidensya upang sampahan ng kaso si Sgt. Edgardo Santos.

Sinabi pa ni Rodriguez na ang dalawang pinakakasuhang enlisted personnel ay agad tatanggalin sa serbisyo sa sandaling maisampa ang kaso laban sa kanila habang si Capt. Guidangen ay isasailalim sa pagdinig ng general court martial o ng efficiency and separation board.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply