3 salvage victims isinilid sa garbage bag sa Kyusi

NATAGPUAN ang bangkay ng tatlong lalaki na nakabalot sa loob ng isang garbage bag na hinihinalang biktima ng salvage sa Quezon City, umaga ng Miyerkules, Agosto 24.

Ayon sa report ng dzMM, natagpuan ang garbage bag na naglalaman ng bangkay nang tatlo sa isang basurahan sa Road 8, Barangay Pag-Asa.

Nabatid pa sa mga residente sa naturang lugar na nakita nila ang grupo ng kalalakihan sakay ng dalawang van at itinapon ang garbage bag kagabi.

Nagtamo ang mga biktima ng mga saksak sa katawan at tama ng bala kung saan ang mga kamay ay nakatali at nakatakip ang kanilang ulo ng packaging tape.

Kasalukuyang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply