3 sugatan sa bumagsak na Cessna plane

SUGATAN ang tatlong katao kabilang ang isang piloto nang bumagsak ang isang four-seater na Cessna plane sa kagaratan na sakop ng Hadsan beach resort sa Lapu-Lapu City, Cebu, kaninang ng umaga (Huwebes , Agosto 25).

Nasa mabuting kalagayan na ang mga biktimang sina Capt. Joseph Brent Chong, piloto, Saturnino dela Cruz, check pilot at ang pasahero nilang si Dito Adrian na pawang nagtamo lamang ng minor injuries sa iba’t ibang parte ng katawan.

Ayon sa nakasaksi, bago ang pagbagsak ay nakita nilang gumegewang-gewang ang naturang eroplano sa himpapawid at maya-maya lamang ay bigla itong bumulusok sa karagatan ng naturang beach resort.

Sa kabutihang palad ay hindi sumabog ang naturang eroplano kaya nasagip agad ang tatlong pasahero nito.

Ikinakasa na ng mga awtortidad ang pag-aalis ng bumagsak na eroplano sa dagat. Robert C Ticzon

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply