3 sundalo sugatan sa ambush

TATLONG sundalo ang sugatan makaraang tambangan ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Guinobatan, Albay kaninang umaga (Miyerkules, Agosto 31).

Kinilala ang mga nasugatan na sina Privates 1st Class Sherwin Arnejo, Rolly Inatan at Jay Disamprado.

Ayon kay Guinobatan police director Chief Insp. Pio Valencia Jr., dakong ala-siyete ng umaga nang maganap ang insidente sa Barangay Binogsacan.

Bumibyahe ang mga biktima upang maglunsad ng libreng sakay para sa mga komyuter na naapektuhan ng welga ng transportasyon sa rehiyon ng Bicol nang maganap ang pananambang.

Sinabi pa ni Valencia na mahigit sa sampung hinihinalang rebelde ang umatake sa mga sundalo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply