3 suspek sa BPI bank robbery sa QC arestado

NALAMBAT ang tatlong hinihinalang bank robber na nanloob sa BPI Bank sa Barangay Holy Spirit, Quezon City

Kinilala ni Quezon City Police District director chief Supt. George Regis ang mga nadakip na suspek na sina Armando Guno, ng Davao del Norte, Joel Lanroellano ng Zamboanga del Sur at Gary Padilla ng Tagbilaran.

Ayon sa QCPD, nadakip ang tatlo dakong 2:00 ng hapon sa labas ng Banco De Oro branch Tomas Morato,QC habang nagde-deposito ng pera.

Nauna rito, magugunitang hinoldap ng sampung armadong lalaki na pawang naka-bonnet ang BPI bank branch sa Don Antonio, Commonwealth Avenue, Bgy. Holy Spirit, dakong 4:20 ng hapon nitong nakalipas na Hulyo 15, 2011.

Nabatid sa ulat ng pulisya na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril ang mga suspek nang holdapin ang BPI bank.

Sinabi pa ni Regis na narekober sa mga suspek ang apat na cal. .45 baril, isang granada, Suzuki motorcycle, at isang Toyota Vios.

Ayon sa ulat, nakatakda umanong magdeposito ng pera ang mga suspek sa Banco de Oro Tomas Morato branch nang masabat ng operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group QC Field Unit.

Ang tatlo ay kabilang sa sampung nangholdap sa nasabing banko sa Commonwealth Avenue, QC nitong nakalipas na buwan.

Nakilala ang tatlo matapos mamukhaan habang nagtatrapik at isinasagawa ang holdap sa BPI dahil walang suot na bonnet ang mga naturang suspek.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang awtoridad laban sa mga kasamahan ng mga nadakip.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply