3 todas, 2 nawawala sa nasunog na barko

TATLO ang patay, habang dalawa ang missing matapos masunog ang isang fast craft habang nasa gitna ng karagatan ng isla ng Lawis, Lapu-Lapu City, Cebu.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG)-Cebu, 67 ang sakay ng MV Island Fast Craft kung saan 62 rito ay mga matatanda, apat ang mga bata at isang sanggol.

Sinasabing isa sa mga namatay ay ang chiefmate ng barko habang ang dalawa ay mga pasahero na pawang wala pang pagkakakilanlan.

Sa nakuhang impormasyon, inilipat ang mga pasahero ng nasabing barko patungong MV Sea Jet sa kasagsagan ng trahedya.

Napag-alaman na galing ng Tubigon, Bohol ang barko at patungo ng Pier 3 ng Cebu nang mangyari ang insidente.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang dahilan ng pagkasunog ng barko.

Una rito, noong Hunyo ay isang cargo vessel naman ang nasunog sa Mandaue City, Cebu.

Habang nito lamang Agosto 10 ay dalawa ang iniulat na namatay, habang umaabot naman sa 21 ang mga nailigtas sa paglubog ng Bulk Carrier 1 matapos sumalpok sa SS Puccini sa Sarangani Bay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply