3 tulak timbog sa Taguig City

TATLONG drug pushers kabilang ang isang magkapatid ang binitbit ng mga operatiba ng Station Anti-illegal Drug Special Operation Task Group (SAID-SOTG) sa isinagawa nitong buy bust operations sa magkakahiwalay na barangay sa Taguig City.

Sa isinumiteng ulat nina arresting officers PO3 Marvin S. Zata, PO2 Noel O. Antillion at PO2 Alexander A. Saez, sinabi ng mga ito na sinusuyod na ng awtoridad ang mga lugar na nasa ilalim ng kanilang mahigpit na pagmamanman at order of battle.

Kabilang sa mga naaktuhan ng mga pulis na nagbebenta ng banned substance ay sina Joselito Auro, 42, ng BB Flores St., Brgy. Tuktukan at ang magkapatid na Eloisa Pamero San Diego alyas ‘Badiday’ 37 at Sergio San Diego Dela Peña alyas ‘Jun’ kapwa ng 05 Camachile St., Purok 4, Brgy. Lower Bicutan.

Sa katatapos na paglalansag ng mga elemento ng SAID-SOTG laban sa mga nabanggit na suspek ay nakasamsam sa kanila ang pitong maliit na plastic sachets na naglalaman ng shabu na pinatunayang ‘positive’ ng PNP Crime Laboratory.

Nakatakdang harapin ng akusadong si Auro ang kasong paglabag sa Sec. 5 nang Art. 2 of RA9165 habang ang magkapatid na suspek naman ay nahaharap sa mas mabigat na kaso ng pagbebenta ng prohibited drugs.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply