300 kilo ng ‘botchang’ karne nasabat sa QC

TINATAYANG aabot sa 300 kilo ng botcha at lumang karne ng manok, baboy at baka ang nakumpiska ng Quezon City Veterinary office matapos magsagawa ng operasyon sa Balintawak Market, Quezon City Biyernes ng madaling araw.

Ayon kay Dr. Ana Marie Cabel ng QC Veterinary office, nangangamoy at nabubulok na umano ang mga karne na kanilang nakumpiska sa naturang palengke.

Partikular na inikutan ng QC Veterinary office ang M.C. Market, Old Samson Rd, Diversion at Riverview sa Balintawak, QC dakong 3:00 ng madaling araw.

Sinabi pa ni Cabel, aabot sa mahigit P50,000 ang halaga ng mga nakumpiskang botchang karne sa operasyon.

Aniya, hinahaluan ng mga vendor ng mga botcha ang mga bagong karne para makapandaya ng mga mamimili.

Dinala na sa Parks and Wildlife ang mga nakumpiskang botcha para ipakain sa buwaya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply