300 OFWs nakakulong kahit tapos na ang sentensya

PATULOY na nagdurusa sa piitan ang may 300 overseas Filipino worker (OFW) bagama’t nagpagsilbihan na nila ang kanilang sentensya o nabigyan na ng pardon sa ibayong dagat.

Ang karanasan ng mga OFW ay inihayag ni Gabriela Reps. Luzviminda Ilagan at Emmi de Jesus, na naghain ng House Resolution 1428 na humihiling sa House of Representative committees on foreign affairs at overseas workers affairs na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay na sitwasyon ng mga nakapiit na mga OFW na dapat ay nakalabas ng bilangguan.

“While the Philippine government provides all possible assistance to those who are still serving their sentences in various jails abroad, we must also help those who have served their sentence and who have been pardoned in their host countries and are now eligible to get out of prison,” pahayag ni Ilagan.

Sinabi pa ni Ilagan na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang nararapat na ahensyang mangangasiwa para sa repatriation proceedings ng mga OFWs kaagapay ang iba pang ahensya ng pamahalaan.

Batay sa ulat ng Migrante International, tinatayng umaabot na sa kabuuanag 330 OFWs ang nabuno o natapos na ang kanilang sentensya o nabigyang ng pardon ngunit patuloy pa ring nananatili sa loob ng kulungan sa Saudi Arabia, Africa, United Arab Emirates, Syria, Malaysia, Kuwait, Iran, Hong Kong at Thailand.

Ang mga nakapiit na OFWs ay nasasangkot sa mga kasong theft, possession of illegal drugs at iba pang may kaugnayan sa droga, pagbebenta ng alak, immorality, illegal fishing, forgery, prostitution at human trafficking.

Sinabi pa ni Ilagan na hindi makayanan ng pamilya na tustusan ang pangangailangan ng mga OFW para sa proseso ng kanilang worker’s release.

Wala umano magawa ng mga OFWs kundi ang manatili sa loob ng kulungan at magdanas ng kahirapan.

Bukod sa pamilya ng OFWs, pinahihintulutan ng bansang nakasasakop sa mga bilanggo na pangasiwaan ng Philippine embassy officials ang pag-aayos ng kanilang kinakailangan dokumento para sa pagre-release ng manggagawa. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply