318 opisyal ng PNP kukuha ng pagsusulit ng NAPOLCOM

TINATAYANG aabot sa 318 opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang isasailalim sa pagsusulit ng National Police Commission (NAPOLCOM) bukas (Linggo, Agosto 28) upang maging “full pledge” colonel at general.

Ang pagsusulit ay tinaguriang “Police Executive Service Eligibility” (PESE) at ang lahat ng PNP official na may ranggong superintendent o colonel ay inoobligang kumuha nito upang tumaas ang kanilang ranggo bilang senior superintendent o full pledge colonel at maging heneral.

Ang PESE ay pinatutupad ng NAPOLCOM sa mga PNP official na may nabanggit na ranggo at isinasagawa sa mga strategic testing centers sa Luzon Visayas at Mindanao.

Sa Camp Crame, Quezon City kukuha ng PESE ang mga taga-Luzon, na may bilang na 299, sa University of Cebu, Banilad City ang mga taga-Visayas na may 39 ang magte-test at ang mga taga-Mindanao naman ay sa Davao Doctors College, Davao City, na 50 ang nakatakdang mag-exam.

Sinabi ng NAPOLCOM na requirement ang nasabing eligibility exam sa mga opisyal ng PNP, at ito ay naka-sentro sa anim na kategory: executive emotional quotient inventory; leadership competency assessment; moral development; job knowledge; communication skills assessment at  creative development management.

Nabatid kay Executive Officer Eduardo U. Escueta, vice president ng NAPOLCOM, ang nabanggit na executive police eligibility ay may dalawang uri ng pagsusulit, ang written examination at panel interview.

Magsusuot din ng Barong ang mga kukuha ng pagsusulit bilang pagsunod sa itinakdang dress code.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply