32 katao nailigtas ng PCG sa nasiraang motor banca

NAILIGTAS ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 32 pasahero ng isang motor banca matapos na masiraan sa karagatan sakop ng Barangay Manito, Rapu-Rapu, Albay.

Ayon kay PCG spokesman, Lt. Commander Algier Ricafrente, nakatanggap ng distress call ang kanilang detachment sa rapu-rapu mula sa MBCA Erzon 2 na nasira ang makina sa gitna ng karagatan habang patungo sa Legazpi City.

Agad namang nagpadala ng search and rescue vessel sa lugar at nasagip ang 25 pasahero at 7 crew ng nasabing motor banca.

Kamakailan lamang ay nailigtas din ng PCG ang pitong mangingisda matapos lumubog naman ang sinasakyan nilang bangka sa karagatang sakop ng Barangay Poblacion, Mandaon, Masbate.

Hinampas umano ng malalaking alon ang bangka kaya tumaob ito at tuluyan nang lumubog sa karagatan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply