3,370 katao apektado ng pagbaha – NDRRMC

DAHIL sa patuloy na pagbuhos ng ulan, tinatayang umabot na sa 695 pamilya o 3,370 katao ang naapektuhan ng mga pagbaha dulot ng bagyong Kabayan sa lalawigan ng Bulacan, Tarlac at Batangas.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit sa 1,000 katao rito ang inaagapayan sa loob ngayon ng mga evacuation centers.

Hanggang sa kasalukuyan ay nanatili sa apat ang naitalang patay habang lima ang nasugatan at umabot na sa P2 milyong ang pinsala ng bagyong Kabayan.

Maalala na umabot din sa 57 katao ang namatay at nasa P1.7 bilyon ang idinulot na pinsala sa pananalasa ng nagdaang bagyong sa bansa. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply