34 potentials sa 2011 PBA Rookie Draft

ANG kakulangan sa Smart-Gilas Nationals ay magbibigay ng panibagong atraksiyon sa professional league sa gaganaping 2011 Rookie Draft sa Linggo ng gabi (Agosto 28) sa Robinsons Place sa Maynila.

Pitong dekalidad na miyembro ng National team — sina JV Casio, Fil-Ams Marcio Lassiter at Christ Lutz, Dylan Ababou, Jason Ballesteros, Mac Baracael at Mark Barroca ay kabilang sa mga pagpipilian ng mga PBA teams na pawing naghahangad mapalakas ang kani-kanilang puwersa.

Isa pa player ang tiyak na kabilak sa top pick para sa 1st round ng draft ng 34 kandidato ay ang six-footer guard na si Pau Lee ng University of the East Red Wariors.

Isa naman bagong mukha na tubong Cebu na lumaki sa Estados Unidos na si Julius Pasculado ang sinasabing makukuha rin sa 1st draft dahil sa pinamalas niyang magandang kakayanan sa tatlong araw na laro sa Rookie Camp.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply