37,513 pumasa sa Nursing Board exam – PRC

INIHAYAG ng Professional Regulatory Commission (PRC) na umabot sa 37,513 mula sa 78,135 ang pumasa sa Nurse Licensure Examination na ibinigay ng Board of Nursing sa Maynila, Baguio, Cagayan de oro, Cebu, Dagupan, Davao, Iloilo, La Union, Legazpi, Lucena, Nueva Ecija, Pagadian,  Pampanga, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga noong July 2011.

Miyembro ng Board of Nursing sina Carmencita M. Abaquin, Chairman; Leonila A. Faire, Betty F. Merritt, Perla G. Po, Marco Antonio C. Sto.Tomas, Yolanda C. Arugay at Amelia B. Rosales, Members.

Pansamantalang isinantabi ang resulta ng pagsusulit ng anim na examines habang nakabinbin ang final determination ng kanilang liabilities sa ilalim ng rules and regulations na sumasakop sa licensure examination.

Alinsunod sa Section 16, ng  Republic Act No. 9173, “all successful candidates in the examination shall be required to take an oath of professional before the Board or any government official authorized to administer oaths prior to entering upon the nursing practice”.

Para rehistrasyon ng bagong nars, kailangan ang mga sumusunod:  duly accomplished Oath Form or Panunumpa ng Propesyonal, current Community Tax Certificate (cedula), 2 pieces passport size picture (colored with white background and complete name tag), 1 piece 1” x 1” picture (colored with white background and complete name tag), 2 sets of metered documentary stamps and 1 short brown envelope with name and profession; at pagbabayad ng initial Registration Fee na P600 at Annual Registration Fee na P450 para sa 2011-2014.

Kailangang personal na magparehistro at lumagda sa Rose of Registered Professionals ang lahat ng pumasa sa pagsusulit.

Ipahahayag ng PRC ang petsa at lugar nang panunumpa ng bagong nars.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply