4 BJMP personnel, 1 pa palalayain na ng NPA

TINIYAK ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na pakakawalan na ng mga dumukot na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang apat nilang jail personnel at isang bilanggo na kinidnap nitong nakaraang buwan.

Ayon kay BJMP Director Rosendo Dial, ang pagdukot ng mga rebelde ay isa sa mga usaping tinututukan ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) gayundin ang pamunuan ng National Democratic Front (NDF).

Umaasa si Dial na pakakawalan ng mga NPA ang mga bihag na nauna na niyang ipinahayag na hindi combatants bagkus Public safety officer lamang ng ahensya ng gobyerno kaya hindi dapat katakutan at dukutin ng mga rebelde.

Kinilala ang mga biktimang sina Jail Insp. Erico Llamazares, Insp. Murphy Tujog, Jail Officer 2 Rogelio Beguntes at  JO 1 Roland Bajuyo na pawang hinostage ng grupo ng mga suspek sa Sitio Rawari, Bayan ng Kitaotao, Bukidnon.

Magugunitang tinambangan ng mga rebeldeng sibilyan ang mga tauhan ng ahensya na lulan ng BJMP van mula sa Ozamis City Jail at patungo sana sa Davao Penal Colony noong Hulyo 21 para dalhin ang mga presong karga nito.

Nabatid na isang Dennis Rodenas ang isa sa mga nang-agaw sa isang bilanggo at sa apat na tauhan ng piitan saka pumayag na paalisin ang sasakyan ng BJMP na sinasakyan ng iba pang mga preso.

Kaugnay nito, sinabi ng direktor na siya mismo ang nanguna sa paghahain ng protesta sa OPAPP makaraang ideklarang labag ang nasabing insidente sa negosasyon ng kapayapaan sa pagitan ng gobyerno at NDF.

Saad ni Dial, mismong si OPAPP Undersecretary Alexander Padilla ang lumapit sa pamunuan ng NDF base na rin umano sa utos ng Pangulong Benigno Aquino III. Robert C Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply