4 journalists binihag ng Gadhafi forces

BINIHAG ng pinaniniwalaang puwersa ni Moammar Gadhafi ang apat na mga journalists mula Italy sa kabisera ng Tripoli.

Nabatid kay Italian consul in Benghazi Guido de Sanctis na ang apat na mga biktima ay nagtatrabaho sa mga pahayagan ng Corriere della Sera, La Stampa at Avvenire.

Tiniyak naman ni de Sanctis na nasa mabuting kalagayan ang kanilang mga kababayan kahit mistulang hostage na ng Libyan leader.

“They are being held in an apartment in Tripoli. They are fine, even if everything happened in a very difficult atmosphere,” pahayag ni de Sanctis.

Nabatid pa na pinapayagan naman silang makatawag at matawagan ng kanilang mga kababayan at binibigyan din ng pagkain.

Nabatid na tinangay ang naturang mga mamamahayag malapit sa bayan ng Zawiyah, 50 kilometro mula sa Tripoli, ng mga armadong kalalakihan na sinasabing pumatay sa driver ng mga biktima.

“The journalists were then handed to others, presumably Moammar Gadhafi loyalists,” dagdag ng opisyal.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply