4 sa 7 barko ng Trans Asia pinaglayag ng Marina, PCG

PINAYAGAN na ng  Maritime Industry Authority (Marina) at Philippine Coast Guard (PCG-7) na maglayag ang apat sa pitong barko na pag-aari ng Trans Asia Shipping Lines makaraang makapasa ito sa isinagawang evaluation at inspection matapos lumubog ang isa sa mga barko nito karagatang sakop ng Ajuy, Iloilo, kamakailan.

Kabilang sa mga nakapasa ay ang M/V Trans-Asia 2 na may biyaheng Cebu to Ozamiz City, M/V Trans-Asia 3 at M/V Trans-Asia 5 na may biyaheng Cebu to Cagayan de Oro at M/V Asia Indonesia na may ruta namang Cebu to Masbate.

Gayunman, patuloy pa rin ang inspeksyon ng Marina at PCG sa iba pang mga barko ng  Trans-Asia Lines Inc.

Ayon naman kay Julian Sy, tagapagsalita ng nasabing kompanya, muli nilang mabibigyan ng serbisyo ang mga pasahero at negosyante matapos na pumasa sa seaworthiness ang kanilang mga barko.

Matatandaang sinuspinde ang mga biyahe ng mga barkong pag-aari ng kumpanya upang isailalim sa inspeksyon at evaluation matapos na tumagilid at tuluyang lumubog ang M/V  Asia –Malaysia sa karagatan ng Iloilo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply