40 jueteng, loteng operators tiklo sa QC

MAHIGIT sa 34 jueteng operators at anim personnel ng iligal na sugal na loteng ang hinuli ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa bolahan kaninang umaga.

Ang pagsalakay ay bunga ng patuloy na reklamo ng mga residente sa lungsod hinggil sa malawakang operasyon ng jueteng sa T. Gener St., Kamuning na ang bangka ay kinilalang isang Don Ramon.

Nasa 34 jueteng operators ang nasakote ng binuong puwersa ng QCPD na pinamumunuan Supt. Zacarias Noel B. Villegas, habang anim katao ang nadakip sa operasyon ng iligal na loteng.

Napag-alaman na dakong 11 ng umaga nang salakayin ng awtoridad ang juetengan sa may T. Gener St. harap ng Kamuning Elementary School at nadakip ang mga suspect.

Narekober sa mga  suspek  ang iba’t-ibang paraphernalia, tulad ng ticket booklet, mga ballpens, at pera na may-iba’t-ibang denominasyon na hinihinalang mga taya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply