40 OFWs na ililikas sa Syria nasa Damascus na

TINATAYANG inilikas ang mahigit 40 Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasa Embahada na ng Pilipinas sa Damascus, Syria.

Sa panayam ng DZMM kay Ambassador Wilfredo Cuyugan, bagama’t karamihan ay labor related problem ang dahilan, uunahin na silang ilikas matapos magdeklara ang Department of Foreign Affairs ng Alert Level 3 sa buong bansa dahil sa lumalalang kaguluhan doon.

Dagdag pa ni Cuyugan, nakapagpadala na ang pamahalaan ng rapid response team para tumulong sa mga OFW na naiipit sa kaguluhan.

Nabatid pa na nakipag-ugnayan na ang team sa ilang Pinoy workers sa Lungsod ng Latakia, kung saan nagkakaroon ng matinding sagupaan sa pagitan ng government forces at mga raliyista gayundin sa mga lungsod ng Hama at Homs.

Tiniyak naman ni Cuyugan na kakayanin ng gobyerno sakaling marami ang tumugon sa panawagang boluntaryong paglilikas ng mga OFW.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply