45 pamilya nawalan ng bahay sa flashfloods sa S. Cotabato

NAWALAN ng tirahan ang may 45 pamilya makaraang magkaroon ng flashfloods sa barangay Polomolok sa South Cotabato kahapon ng hapon, Agosto 18.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nagkaroon ng flashfloods sa Purok Riverside, Silway 8 bandang 2 p.m makaraang umapaw ang katabing ilog bunsod ng malakas na pag-ulan.

Tinatayang 45 pamilya o may kabuuang 215 katao ang inilikas at nananatili sa gymnasium ng naturang barangay ngunit wala namang napaulat na nasugatan.

Nagbigay naman ng pagkain ang lokal na pamahalaan sa mga apektadong pamilya.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply