5 barangay sa QC isasailalim sa fogging operation

LIMANG barangay sa Quezon City ang isasailalim sa fogging operation bilang kampanya laban sa dengue.

Ang Quezon City ang isa sa lungsod sa Metro Manila kung saan pinamakamaraming kaso ng dengue ang naitala.

Kabilang sa mga barangay na isasailalim sa fogging operation ay ang Bagbag, San Bartolome, Gulod, Batasan Hills at Holy Spirit na may mataas na kaso ng dengue sa lunsod.

Ayon kay Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, bilang kampanya magbubuo ng isang team ang mga tauhan ng QC Hall upang magpatupad ng malawakang fogging operation sa mga lugar sa lungsod na may mataas na kaso ng dengue.

Aniya, mas mainam na sabay-sabay nilang isasailalim sa fogging operation ang nabanggit na mga lugar at hindi isa isang barangay lamang dahil sa ganitong paraan mas mabilis na mapupuksa ang lamok na may dalang dengue.

Kung isa-isa lamang ang pagsasailalim sa fogging operation sa isang lugar, hindi nito mapapatay ang mga lamok kundi lilipat lamang ang mga ito sa karatig na lugar.

Base sa QC Hall nakikipag ugnayan na ngayon ang lungsod sa Department of Health (DOH) para magkatulungan upang magtagumpay ang naturang operasyon.

Sa kasalukuyan, patuloy ang paglalaan ng dugo ng tanggapan ni Belmonte sa mga ospital ng lungsod na nangangailangan ng dagdag na dugo para sa mga pasyente na may sakit na dengue.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply