5 BuCor officials kinasuhan na

KINASUHAN na ang limang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) kaugnay sa pagpupuslit ni dating Batangas Gov. Antonio Leviste ng New Bilibid Prison.

Sa ipinalabas na kalatas ni Justice Sec. Leila de Lima na binasa naman ni Undersecretary Francisco Baraan III, ang mga kinasuhan sa korte ay sina C/Supt. Ramon Reyes, C/Supt. Armando Miranda, Dante Cruz, S/Insp. Roberto Rabo at S/Insp. Fortunato Justo.

Base sa liham, nagkaroon ng grave misconduct, gross neglect of duty at conduct prejudicial to the best interest of the service ang mga nabanggit na opisyal ng BuCor dahil sa nakalalabas-masok ang dating gobernor sa bilangguan partikular na noong Mayo 18, 2011.

Sinuspinde na rin ng 90 araw ang lima opisyal nang matanggap ang direktiba mula sa Department of Justice (DOJ).

Matatandaang ngayong Agosto ay itinalaga ni De Lima sina State counsel Amenda Leaño-Garcia, Atty. Rafael Villanueva at Amelia Ponio.

Si dating BuCor Dir. Ernesto Diokno ay una nang nagbitiw nang kumalat na may palakasan system sa loob ng NBP at mayroong maluwag na seguridad doon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply