5 BUCOR officials na nagpapuslit kay Leviste kinasuhan na

PORMAL nang sinampahan ng kasong administratibo ng Department Of Justice (DOJ) ang limang opisyal ng Bureau Of Corrections (BUCOR) matapos ang paglabas masok ni dating Batangas Gov. Antonio Leviste mula sa New Bilibid Prisons (NBP).

Kabilang sa mga sinampahan ng grave misconduct, gross neglect of duty at conduct prejudicial to the best interest of the service sina Chief Supt. Ramon Reyes, Chief Supt. Armando Miranda, Bilibid Reservation Security Service (BRSS) Chief Dante Cruz, Police Senior Inspector Roberto Rabo, at Prison Senior Inspt. Fortunato Justo.

Mahaharap rin ang limang opisyal sa 90 araw na suspensyon matapos matanggap ang direktiba mula kay Justice Sec. Leila De Lima.

Matatandaang una ng nagbitiw ang dating hepe ng BUCOR na si Dir. Ernesto Diokno matapos mapabalita ang maluwag na seguridad sa NBP.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply