5 katao na natutulog sa kalye binitbit

DAHIL sa nalalapit na paggunita sa unang anibersaryo ng madugong hostage taking sa loob ng tourist bus, nagsagawa ng paglilinis ang mga tauhan  ng Manila Police District at isa-isang binagansiya ang may limang katao sa Ermita, Manila.

Habang inihahanda pa ang kaukulang kasong haharapin, pansamantalang nakapiit sa MPD-General Assignment Section matapos i-turn over ng Children and Women Protection Unit sina Rodel Garagas, 39, miyembro ng Bahala na Gang (BNG); Stephen Tamayo, 18, miyembro ng Sigue Sigue Sputnik ; Jessica Cruz, 33, bar girl; Henry Canete, 43; at Armando Letigio, 44. Ang lima ay pawing nakatambay at natutulog lamang sa bangketang sakop ng Ermita.

Batay sa ulat na ipinarating kay Sr. Insp. Ramon Meneses, hepe ng MPD-GAS, nakipag-ugnayan sa kanila si Chief Insp. Anita Araullo, hepe ng MPD-CWPU, sa kautusan na rin ni Manila Mayor Alfredo Lim na linisin ang kalye sa mga lulong sa solvent at natutulog sa kalye para na rin sa seguridad na maaaring may mangyari pa tulad ng madugong hostage taking na gugunitain sa Agosto 23.

Nabatid sa report, nauna nang nagsagawa ng malawakang saturation drive na ginawa ng mga tauhan ni P/Supt. Dominador Arevalo kung saan ay isa-isa ring binitbit ang ilang kabataan na babae at lalaki na pawang nasa edad 13 hanggang 16 anyos sa boundary ng Malate at Ermita sa Aristocrat  Restaurant sa Roxas Boulevard.

Ang mga nasabing sunod sunod na saturation drive sa mga batang kalye ay sa dahilan na rin sa kautusan ni Lim na linisin ang bawat kalye lalo na sa mga tourist spots. Rene Crisostomo

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply