5 pang biktima ng human trafficking nasagip

NASAGIP sa tiyak na kapahamakan ang limang menor-de-edad sa kamay ng sindikato ng human trafficking makaraang masakote ang mga ito ng mga operatiba ng Maritime Police kanina (Martes, Agosto 9) sa Cebu City.

Magugunitang nailigtas nitong nakaraang araw ang 15 menor-de-edad na biktima ng human trafficking sa parehong siyudad. Nasa kustodiya na sila ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang limang menor de-edad, na kinabibilangan ng tatlong babae, ay natagpuan ng Maritime Police habang ang huli ay nagro-roving sa daungan.

Naaresto si Rolando Roho, alyas Arse, na pinaghihinalaang nakatakda sanang ipadala sa bansang Malaysia ang limang biktima.

Kasong paglabag sa Republic Act 9208 o anti-trafficking in person ang kahaharapin ng suspek. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply