5 parak nambugbog ng drayber

LIMANG pulis na nakatalaga sa Bacoor Police Station ng Bacoor, Cavite ang inilagay sa confinement sa kanilang istasyon matapos akusahan ng pagbubugbog at panggugulpi ng isang drayber.

AYON kay Cavite PNP Provincial Director na si Col. John Bulalacao, inatasan na niya ang chief of police ng nasabing bayan na pansamantalang disarmahan at i-confine sa kanilang istasyon ang mga ito habang nagsasagawa ng imbestigasyon.

Nag-ugat ang reklamo nang dumulog ang isang drayber ng dyip na hindi pa pinapangalanan na binubog siya, pinagsisipa at binaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng limang pulis.

Napag-alaman na pawang mga Police Officer 1 pa lamang ang mga inirereklamo. Ayaw pa naman pangalanan ni Col. Bulalacao ang mga pulis hangga’t hindi pa natatapos ang imbestigasyon.
Desido naman umano ang biktima na papanagutin ang mga nanggulpi sa kanya at sa katunayan ay kumaha na siya ng isang medical certificate.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply