5 patay sa bakbakan sa Maguindanao

LIMA na ang patay, habang siyam ang sugatan sa pagkumpirma ni Von Al-Haq, spokesman ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa engkwentro  ng MILF at grupo ni dating MILF 105th based commander Ameril Umbra Kato sa Datu Piang, Maguindanao.

Sa panayam kay Al-Haq, sinabi nito na grupo nina Kumander Asmin ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng MILF at Kumander Roa ng Bangsamoro Freedom Fighters ni Umbra Kato ang nagka-engkwentro.

Ang Bangsamoro freedom fighters umano ang break-away group ng MILF.

Inihayag nito na matagal na ring away sa lupa ang dahilan ng labanan na nagsimula kaninang madaling araw.

Sinabi pa ni Al-Haq na batay kanilang nakuhang inisyal na report, lima na ang patay sa insidente kung saan tatlo rito ang nagmula sa puwersa ni Kumander Asmin habang dalawa naman mula kay Kumander Roa.

Dagdag pa nito na maraming residente ang nagsilikas mula sa pinangyarihan ng kaguluhan dahil sa takot na madamay sa pangyayari.

Sinasabing siyam na rin ang sugatan at tinatayang 100 pamilya na nagsilikas upang makaiwas sa kaguluhan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply