5 sundalo sugatan sa ambush at landmine blast sa Capiz

NASA kritikal na kondisyon ang isa sa limang sundalong nasabugan ng landmine sa Brgy. Duran, Dumalag, Capiz.

Nangyari ang insidente habang sakay ng military truck ang nasabing mga sundalo ng 61st Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army.

Sinasabing pinasabugan ng mga pinaniwalaang New People’s Army (NPA) ang sasakyan ng mga sundalo habang patungo sana sa Roxas City.

Ayon kay Lt. Col. Christopher Sabit ng 61st IB, maliban sa pagsabog ng landmine ay in-ambush pa umano ng mga rebelde ang mga militar.

Nagpapatuloy naman ang pursuit operation ng mga otoridad sa nasabing lugar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply