50 bus sa Maynila bagsak sa anti pollution test

LAGPAK sa isinagawang on the spot smoke belching test ng Anti-Smoke Belching Unit (ASBU) ng Manila City Hall Department of Public Safety (DPS), ang may 50 Manila bus kamakailan.

Mga pampasaherong bus umano ang karamihan sa mga bumagsak sa smoke test na may biyaheng Cavite, Laguna, Batangas at nagtala ang mga ito ng mahigit sa 3 porsiyento ng pollutant na ibinubuga ng kanilang tambutso.

Nagtala naman ng pinakamataan na pollutants ang mga bus na may biyaheng Manila–Fairview na umaabot sa 16 na porsiyento ng nakalalasong kemikal ayon kay Joey Arriza, hepe ng ASBU DPS.

Nalulungkot sila dahil tanging pagkumpiska lamang ng lisensiya at pagbaklas ng plaka ang kaya nilang gawin sa kabila ng matinding violation ng mga bumagsak laban sa batas o sa Clean Air Act.

Kabilang sa mga bumagsak sa test ay ang San Agustin, Saint Anthony, Starliner at ilang mga biyaheng Fairview-Manila at Antipolo-Manila na walang tiyak na pangalan ang mga bus.

Nabatid pa na tanging P2,500 hanggang P3,500 ang kaukulang multa sa mga nagsilabag na bus companies.

Iminungkahi ni Dakila Dizon, team leader ng ASBU, na dapat na magkaroon ng mas matapang na batas at kapangyarihan ang ASBU upang higit na maipatupad ang programa laban sa pollutants sa kalye at higit na maparusahan ang mga lumalabag dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply