51 estudyante ‘sinapian’ sa Comval

SINANIBAN umano ng “evil spirit” ang 51 estudyante ng Compostela National High School sa lungsod ng Compostela, lalawigan ng Compostela Valley.

Sinabi ni Brenda Catecoga, officer-in-charge ng nasabing paaralan, mula nitong nakaraang araw hanggang ngayon (Lunes, Agosto 25) ay patuloy na natutumba, nawawalan ng malay at tumitirik ang mata ng kanilang mga estudyante mula first year hanggang 4th year.

Dahil dito, napilitan ang mga guro na i-dismiss ng maaga ang klase kaninang dahil umabot na sa 51 mga kabataang ang sinasaniban ng kung anu-anong masamang espiritu.

Kuwento umano ng mga biktima na karamihan sa kanila ay nakakakita ng “Agta.”

Nagsimula ang pagsanib ng mga hindi mapalagay na mga espiritu sa mga mag-aaral matapos umanong putulin ang isang malaking puno ng mangga na nasa likurang bahagi ng eskwelahan.

Isa sa mga biktima na si Lea Le Nestanya, kabilang sa mga nawalan ng malay ay sinapian umano ng masamang espiritu ng isang nagpakilalang Cristine Jacinto.

Idinaan umano ng mga espiritu ang mensahe sa mga na-possess na estudyante na gaganti sila dahil marami sa kanilang mga kasama ang nasawi matapos sirain ng mga tao ang kanilang kaharian na puno ng mangga.

Bukod sa mga estudyante, nangangamba rin ang ilang sa mga guro dahil nagbanta umano ang mga espiritu na may kukunin sa kanilang hanay.

Habang sinusulat ang balitang ito ay patuloy na ikinakasa ang isang pagdarasal at exorcism para sa mga sinapiang estudyante.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply