57 murder counts kay Akmad Ampatuan pinagtibay ng CA

PINAGTIBAY ng Court of Appeals ang 57 counts of murder na ikinasa laban kay dating Mamasapano, Maguindanao, Mayor Akmad Ampatuan.

Sa 37 pahinang desisyon na inilabas ng CA sa pamamagitan ni Associate Justice Francisco Acosta, wala silang nakikitang mali sa May 5, 2010 resolution ni Justice Secretary Alberto Agra.

“In sum, we find no reversible error committed by the public respondents in finding probable cause to indict petitioner for multiple murder,” ani Associate Justice Francisco Acosta.

Nauna nang hiniling ni Ampatuan sa Court of Appeals na ibasura ang May 5 resolution at dumepende sa April 2010 ruling kung saan nilinis siya sa kasong murder.

Pinagbigyan ni Agra noon ang petition for review na isinumite ni Akmad at Zaldy Ampatuan pero sa halip na baliktarin ang desisyon ng panel of prosecutors ay nakitaan ng probable cause ang dalawa para madikdik sa pagpatay sa 57 sibilyan, kabilang na ang 30 journalists noong Nobyembre 23, 2009.

Sinabi ni Agra na ang depensa ng dalawa ay hindi sapat para sa positibong pagkilala sa kanila ng witness na si Kenny Dalandag.

Matatandaan na ang April 2010 resolution ay nagpagalit sa mga kamag-anak at pamilya ng biktima ng masaker maging ng public prosecutors dahilan para muling pag-aralan ang desisyon kaya noong Mayo 5, 2010 ay binaliktad ni Agra ang desisyon, base sa affidavit ng bagong witness na si Abdul Talusan.

Kinasuhan ni Ampatuan si Agra ng grave abuse of discretion pero agad ding ibinasura ng korte.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply