6-anyos ginahasa ng binatilyo

WASAK ang kinabukasan ng anim na taong gulang na babae makaraang gahasain ng 16-anyos na binatilyo sa bayan ng Estancia, Iloilo.

Sa report ng Estancia police na ipinarating sa Camp Crame, inakusahan ng pangagahasa ang binatilyo na itinago sa pangalang Juan.

Nabatid na base sa inisyal na pagsisiyasat ng Estancia PNP, lumalabas na may ilang barangay officials umano ang nakakita sa pangyayari.

Nakita umano ng isang saksi na sinuntok ng suspek ang paslit sa gitna ng maisan kung saan nawalan ito ng malay.

Tinangka pa umano ng suspek na tumakas subalit tinugis ng mga barangay officials at nang masukol ay tahasan nitong itinanggi ang bintang sa kanya.

Dahilan upang magpasya ang awtoridad na dalhin sa ospital ang paslit upang sumailalim sa medical examination at madetermina kung biktima nga ito ng panghahalay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply