60,000 bakanteng trabaho sa gobyerno – DBM

MAY 67,000 bakanteng posisyon ngayong taon sa pamahalaan.

Ito ang inihayag ni Budget Secretary Florencio Abad sa deliberasyon ng Senate finance committee na pinamumunuan ni Sen. Franklin Drilon ukol sa P1.816 trillion proposed 2012 national budget.

Sa office of the Ombudsman pa lamang umano ay halos 50 porsiyento na posisyon ang bakante.

Pero umaabot sa P23 billion ang nakalaang pondo para sa nasabing mga bakanteng posisyon.

Duda tuloy ng mga senador na baka nagagamit sa katiwalian o naabuso ng mga tiwali ang nasabing pondo sa pamamagitan ng conversion.

Tiniyak naman ni Abad na hinigpitan na ng pamahalaan ang sistema ng paggugol o paggasta ng savings upang maiwasan ang anomaly.

Sa 2012 proposed budget, P593.3 billion ang inilaan sa personal services, mas mataas ng 9.8 percent sa kasalukuyang taon at P23.4 billion dito ay gugugulin para sa implementasyon ng Salary Standardization Law, pag-recruit ng karagdagang guro, uniformed personnel at iba pang civil servants.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply