65% ng polusyon ay mula sa usok ng mga sasakyan

BASE sa ulat World Health Organization (WHO), 65 porsiyento ng polusyon sa Pilipinas ay mula sa mga usok na ibinubuga ng mga sasakyan.

Dahil dito, inihain ni 2nd district-Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, ang House Bill No. 4950 na magpapataw ng karagdagang bayad sa sinumang mayroong sasakyan na higit sa isa na nakarehistro sa kanyang pangalan.

“Ang sabi ng World Health Organization 65 percent ng pollutants sa ating bansa ay galing sa usok ng mga sasakyan,” ayon kay  sa kongresista.

Sinabi rin ni Rodriguez na ayon sa talaan ng WHO, ang carbon monoxide ang siyang may pinakamalaking kontribusyon ng pollution load (50 prosiyento) na mula sa gasolina ng mga behikulo gaya ng motorsiklo at tricycles na may 47.88 porsiyento at  kotse na may 13.58 porsiyento.

Kaugnay nito, ikinaalarma ng mambabatas ang pagtaas ng bilang ng mga sasakyan na bumibyahe sa iba’t ibang parte ng bansa.

Aniya, noong 2008 ay mayroong 5,891,272 nakarehistrong behikulo, noong 2009 ay tumaas sa 6,220,433 at naging 6,634,855 noong nakaraang taon. Ito ay nagpapakita na may average increase ng 6.2 kada taon.

Bukod dito, aniya, ang labis na pagdami ng mga sasakyan sa lansangan ay nagdudulot din ng problema sa trapiko dahil hindi naman nadadagdagan ang mga kalsada.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply