66 na bahay natabunan sa mudslide sa Zambales

NABAON ang 66 na bahay sa naganap na mudslide sa Sitio Malinta, Purok Siete, Barangay Asinan, Subic, Zambales Huwebes ng gabi.

Ayon sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), ang mga natabunan ay ang mga kabahayang nasa paanan ng bundok na gumuho dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan sa mga nakalipas na araw.

Gayunman, walang naiulat na namatay o nasugatan sa insidente.

Kasalukuyang nasa evacuation center na ang mga naapektuhang residente.

Nagtulungan naman ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Engineering Office ng pamahalaang lokal para sa clearing operations.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply