2 bagyo binabantayan ng PAGASA

PATULOY na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyong “Kabayan,” na huling namataan  sa  layong 1,110 kilometro silangan ng Tuguegarao City.

Ang Kabayan ay may lakas na hangin na 175 kilometro kada oras (kph) malapit sa gitna at may pagbugso na aabot sa 210 kph.

Ayon kay PAGASA chief Graciano Yumul, ang bagyo ay kumikilos pa-hilaga hilagang-kanluran sa bilis na 13 kph.

Tinatayang sa Miyerkules ng umaga, Agosto 3, ay lalabas na ito ng Philippine area of responsibility kung walang magiging aberya.

Samantala, ang tropical depression “Lando” ay huling namataan sa layong 280 kilometro kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph malapit sa gitna at kumikilos ng mabagal pa-hilagang kanluran ng bansa.

Binanggit din ni Yumul na asahan pa rin ang pag-ulan, lalo na sa kanlurang bahagi ng Luzon, dahil sa hanging habagat.

Ang Kalakhang Maynila ay makararanas ng mga pag-ulan dulot ng habagat na maaaring magdulot ng mga pagbaha.

Ang tinatayang agwat ng temperatura ay mula 24 hanggang 28 Celsius.

Pinapayuhan naman ang mga residente na naninirahan sa mababang lugar na maging alerto, lalo na landslide at pagbaha. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply