6th Water Lily Festival

IPINAMALAS ang iba’t ibang produktong gawa mula sa sinasabing basura na water lily gaya ng basket, mesa, cabinets, bags, tsinelas, lamp shades, maging ang mga kasuotan ng mga lumahok sa 2011 Ms. Water Lily mula sa aksesorya sa ulo, gown hanggang sa sapatos.

Ayon kay Ms. Daphne Cortes, 19, ng Barangay Tatalon 4, hinirang bilang Ms. 2011 Water Lily, ipinagmamalaki niya ang lokal na produktong gawa ng kaniyang lungsod dahil kumikita na, nakatutulong pa sa kalikasan at kapaligiran.

“Wala nga po sana akong balak sumali dito kaya lang bukod sa pinilit ako na-realize ko din na biyaya mula sa Diyos ang water lily at hindi ito dapat na ituring na basura dahil marami pa itong paggagamitan. Rush po yung paggkakagawa ng costume ko from head to foot.  One week lang po itong ginawa,” paliwanag ni Ms. Cortes.

“Maliban sa nakatutulong ang water lily industry sa mga nangangailangan, malaking ginhawa din ito sa ating river rehabilitation efforts.  Ang pagdami ng water lily ay isa sa dahilan ng pagbabara ng ating mga ilog,” ani dating Las Piñas Rep. Cynthia Villar.

Sa talumpati nito, nagbalik-tanaw ang dating kinatawan ng lungsod na naging sakit ng ulo ng mga Las Piñeros noon ang grabeng pagbabara sa ilog ng Las Piñas at Zapote. Pero sa halip aniya na problemahin ito, naisipan ng Villar Foundation sa kaniyang pamumuno, na gawin itong industriya para makatulong sa kabuhayan ng mga taga-lungsod.

Kabuhayang hatid ng Citronella

DAHIL patuloy na naghahatid ng magandang kabuhayan ang industriya ng water lily sa mga residente ng Las Pinas na sinimulan at itinataguyod ng Villar Foundation, inilunsad naman ang pagsisimula ng industriya ng  ng halamang citronella, na itatanim sa mga tabi ng ilog sa lungsod.

Marahil marami ang hindi nakaaalam kung ano ang citronella. Ito ay ay isang ‘tropical grass’ na halos kahawig ng lemon grass o tanglad.  Pero hindi ito nakakain o pwedeng   ihalo sa mga lutuing pagkain gaya ng tanglad.

Maraming pakinabang ang pwedeng makuha mula sa pinatuyong dahon at tangkay ng citronella, ay makakukuha ng  ‘pure essential oil’ na ginagamit naman bilang pangunahing sangkap sa paggawa ng sabon, mga produktong pampaganda at herbal.

Sa pag-aaral ng herbal experts,  bilang ‘insect repellent’ ang dinikdik na dahon o langis mula sa Citronella ay maaaring ipahid sa balat ilang oras kung ikaw ay mamumundok o tutungo sa mga lugar sa madamo.

Ayon naman sa National Institutes of Health, epektibo din ang katas ng halamang ito laban sa kuto na kadalasang nakikita sa mga bata.

Epektibo din ang Citronella sa pag-spray para pampatahimik sa mga asong  maiingay. Ang kakaibang amoy nito ay nagpapabagal sa sunod-sunod na apgtatatahol ng aso.  Nakababawas din ito sa mabahong amoy ng balahibo ng aso.

Ginagamit din ito bilang aromatherapy na nakababawas sa pagkahapo, pananakit ng ulo, at nakapagpapahusay sa energy levels. Kapwa epektibo ang essential oil at ang dinikdik na pinatuyong dahon ng citronella.

Sa pagdiriwang ng 6th Water Lily Festival s Las Piñas nitong Hulyo 29, 2011, kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni Mrs. Villar, managing director ng Villar Foundation, sinabi nito na sinimulan na nila ang pagtatanim ng citronella sa mga gilid ng ilog.

“Tuloy-tuloy ang pagtuklas ng Villar Foundation ng mga bagong oportunidad para makatulong sa ating mga kababayan. Inaasahan nating magiging matagumpay ang citronella project na ito at magiging matagumpay na industriya gaya ng nangyari sa water lily handicraft industry,” ani Mrs. Villar sa kaniyang talumpati sa maikling programa ng nasabing okasyon.

Villar Sipag Center

Ginanap ang Water Lily Festival sa apat (4) na hektaryang lupain na pagtatayauan ng Villar Sipag Center sa Site,C-5 Ext. Road, Pulanglupa 1 Las Piñas.

Ayon kay Mrs. Villar, dito sa lugar na ito isasagawa ang mga pagsasanay ng mga kababaihan maging ang kalalakihang kabataan o matatandang  residente ng lungsod para sa mga proyektong pangkabuhayan gaya ng industriya ng water lily, citronella, organic fertilizer, coco coir o bunot ng niyog at iba pang mga itinuturing na basura sa kapaligiran na pwede pang pagkakitaan.

Naniniwala ang dating kinatawan ng lungsod na maraming pwedeng pagkunan ng kabuhayan na makatutulong sa pagpapaangat ng buhay at pamumuhay ng mga residente dito mula sa mga basura at nakatutulong pa sa kalinisan ng paligid at pagbabara ng mga daluyan ng tubig.

“Gagawin namin itong resource at training center para sa aming mga residente. Dito na rin ilalagay ang kanilang finished products bilang showroom ng mga produkto. Dito din itatayo ang simbahan sa loob ng compound,” ani Mrs. Villar sa panayam ng Dyaryo Trabaho.

‘Hibiscus Cynthia Villar’

Kasabay ng pagdiriwang ng Water Lily Festival at kaarawan ni Mrs. Villar, pormal naman na ipinakilala at inihandog ng University of the Philippines Los Baños, Laguna ang pinakabagong variety ng gumamela na ipinangalan sa maybahay ni Sen. Manuel Villar bilang pagkilala sa hindi mapapantayang kontribusyon nito sa pagbibigay ng serbisyo publiko maging ang pangangalaga sa kalikasan.

Ang ‘Hibiscus Cynthia Villar” ay kulay kahel (orange) na may pulang mata sa sentro ng bulaklak.

Ayon kay Mrs. Villar, ipakakalat nila ang nasabing variety ng gumamela at itatanim sa mga gilid din ng ilog ng lungsod para naman pakinabangan ng ornamental plant industry at mga mahihilig magtanim at mangolekta ng iba’t ibang uri ng bulaklak.

Halos hindi naman matapos-tapos ang pasasalamat ng dating kinatawan ng lungsod sa UP Los Baños dahil sa walang sawang pagsuporta nito sa pamamagitan ng mga pananaliksik sa mga proyektong pangkabuhayan at pangkalikasan ng Las Piñas City.

Kasabay din ng presentasyon ng nasabing gumamela variety ang pagharana sa birthday celebrator na Mrs. Villar ng mga awiting pangharana handog ng Los Baños Glee Club na nag-uwi ng parangal mula sa International Singing Competition.


1 Response for “6th Water Lily Festival”

  1. Navid says:

    Action requires kowlnegde, and now I can act!

Leave a Reply

*
nyahahahahah yuhooo mga Kapaminta KUPS hayan m...
Grabe na talaga ang kasamaan ng mga tao at pati mg...
O sino pa ba kundi si bet nyang Marian makiling, h...
Kristd, di ba ikaw ang magaling sa mga b.i., kilal...
may mamamatay na naman diyan sa QC sana kasama na ...
nyahahahahah hindi ako naniniwalang TIGANG sa Se...
nyahahahahah Mali ka Tandang Nestor Letter A ng...
nyahahahahha oo nga naman dapat lang magalit si B...
nyahahahahha bhukeet katapat ba ng carmela ang TLG...
NESTOR ANG GANDA NA TALAGA ANG LEHAL WIFE HALOS GA...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.