7 araw walang kain: 3 fishermen nailigtas sa laot sa Antique

NAILIGTAS ang may tatlong mangingisda makaraang manatili ang mga ito nang pitong araw nang walang kain sa dagat nang tamaan ng buhawi ang kanilang bangkang de motor na ikinataob nito sa Antique.

Nabatid na matapos ang dalawang araw nang tamaan ng buhawi ang
kanilang sinasakyan, sumunod naman na sinagupa nila ang unos na Kabayan kaya’t tuluyang nasira ang kanilang bangka na nagresulta ng pagkakahiwa-hiwalay ng mga ito.

Nakilala ang mga biktimang mag-ama na sina Jerry Malabago, 42; Mark Anthony, 24, na nagtamo ng sugat dahil sa kagat ng pating at isang Rudy Ramos na pawang taga-Prk. Estrella, Calumpang sa lungsod ng Gensan.

Nailigtas ang mga ito makalipas ang pitong araw ng ibang mangingisda na mula sa Antigue at saka dinala sa pagamutan sa naturang lugar.

Mahigit sa 15 na araw na ginamot sa provincial hospital ang tatlo bago pinauwi sa Gensan kagabi, Agosto 19 sakay ng isang barko mula sa
Iloilo.

Samantala, dinala naman si Mark Anthony sa ospital ng GenSan dahil sa grabeng kondisyon ng katawan sanhi ng pagkagat ng pating sa kaniyang binti habang nakahiga sa takip ng ice box habang noong siya ay nasa laot pa.

Sinabi ng mag-ama, wala silang kain sa loob ng isang linggo sa laot kaya’t halos wala ng ulirat pa ng ma-rescue ng mga mangingisda.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply