7 barangay sa Cotabato City tinututukan sa dengue

BINABANTAYAN ng mga opisyal ang pitong barangay sa Cotabato City matapos matuklasan na magkakaroon ng outbreak sa dengue sa naturang lugar.

Ayon sa City Epidemiology Surveillance Unit ng City Integrated Health Office, ang mga barangay na ito nakitaan ng maraming lugar na maaaring pamugaran ng mga lamok.

Kinilala ang mga ito na mga barangay ng Kalanganan Mother, Poblacion 3, Poblacion 5,, Poblacion 6, Poblacion 7, Poblacion 9 at Rosary Heights Mother.

Sa datos ng surveillance unit noong Hulyo ay mayroon nang 140 na kaso ng dengue iniulat sa lungsod.

Tinatayang nasa 52 porsiyento sa mga biktima ay mga batang may edad 10 hanggang 19 taong gulang. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply