7 Koreano, 3 iba pa nailigtas ng PCG

NA-RESCUE ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 10 katao kabilang ang pitong Korean nationals matapos na lumubog ang kanilang sinasakyang motor banca sa Cebu.

Ayon kay PCG spokesman, Lt. Commander Algier Ricafrente, ang mga turistang Korean ay nakilalang sina Choi Hyuk, 28; Bae Hong Ryeol,29; Sung Tae Kyung, 29; Young Sook, 25; Bo Bae Park, 28; Hewon Jung, 29; at ang isa pang dive instructor na si Cho Dock Hee, 29 na kilala ring Korean operator ng  Sun & Sun Dive Shop sa Lapu-Lapu City.

Nailigtas din si dive master Jeffrey Sabonillo, 27, at dalawang ‘di pa nakilalang Filipino boat crew. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply