7 na patay sa dengue sa Rodriguez, Rizal

RIZAL—Pito katao na ang namamatay sa 167 pasyente ng dengue na pinangangambahang mauuwi na sa “outbreak” ayon sa ulat ngayon ng Municipal Health Office sa bayan ng Rodriguez (dating Montalaban).

Ayon kay Dra. Anna Elvira Bautista-Parenno, executive secretary ng Health Office, sa mga namatay ay apat ang galing sa Barangay San Rafael, dalawa sa Brgy. Balete at isa sa Brgy. San Jose.

Nabatid na sa 167 na kaso, karamihan ay nanggaling sa mga bulubunduking lugar gaya ng mga barangay na kinabibilangan ng  Mascap, Macabud at San Isidro sa nasabing bayan.

Gayunman, sinabi ni Dra. Parenno, hindi pa nila kinukunsiderang “outbreak” ang nasabing kaso sa kabila ng malaking bilang nang apektado.

Ani Dra. Parenno, patuloy silang nagsasagawa ng clean up drive, namamahagi ng mosquito nets na mayroon nang gamot, at patuloy na nagsasaagawa ng information campaign para labanan ang patuloy na paglaganap ng nakamamatay na sakit.

Maliban sa dengue ay matindi rin umano ang atake ng malaria sa nasabing bayan partikular sa masusukal na kabundukang bahagi ng nasabing bayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply