7 patay kay ‘Mina’

PITO na ang patay sa pananalasa ng bagyong Mina sa anim na rehiyon sa bansa.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaninang alas-6:00 ng umaga, Agosto 28, pinakahuling nadagdag sa listahan ng mga namatay si Ruel Cabalic Soria, 4, na nalunod sa Barangay Sta. Fe sa bayan ng San Marcelino sa Zambales.

Tatlo pa sa mga namatay ay mula sa Baguio City, dalawa sa Pangasinan at isa sa Catanduanes.

Pito katao rin ang nasugatan habang anim ang nawawala sa pananalasa ng bagyo sa Regions 1, 2, 3, 5, 6 at Cordillera Administrative Region.

Umakyat naman sa 9,456 pamilya o 44,927 katao ang apektado mula sa 177 barangays sa 35 munisipalidad at tatlong lungsod sa 11 lalawigan. Anthony Vargas

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply