72 patay sa dalawang bagyo

UMABOT na sa 72 katao ang nasasawi sa pananalasa ng bagyong Kabayan at Juaning base sa datus ng tanggapan ng National Disaster Risk Reduction Management Council.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Benito Ramos. Nakarekober pa kahapon ng isang bangkay sa Masbate kung saan nalunod ito noon pang nakaraang bagyong Juaning.

“Kahapon, may narekober tayong isang bangkay sa Masbate, nalunod ito noong bagyong Juaning at isa namang babae ang natagpuan ding patay sa Quezon City dahil dito sa pag-ulan. Ang over-all death toll natin ngayon ay nasa 72 na,” ayon kay Ramos.

Dahil dito, pinayuhan niya ang ating mga kababayan na maging handa at alerto sa panahon ng bagyo at sama ng panahon.

Patuloy ang pagbabantay ng kanilang ahensiya sa buong bansa hangga’t hindi pa lumalabas ng Philippine Area of Responsibility ang dalawang bagyo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply